Inaresto ng mga pulis ang isang lalaking Swedish matapos umanong manggulo sa harapan ng isang bar sa Makati City nitong Pebrero 13.

Kasong Alarm and Scandal, Direct Assault at Resisting Arrest ang kinakaharap ngayon ni Emmanuel Ladra Zachrisson, 35.

Sa ulat ng Southern Police District (SPD), inaresto ng mga tauhan ng Makati City Police si Zachrisson sa harap ng isang bar sa P. Burgos St., Brgy. Poblacion nitong Pebrero 13 ng madaling araw.

Ayon kay SPD chief, Brig. General Jimili Macaraeg, nagresponde lamang ang mga pulis matapos makatanggap ng sumbong kaugnay ng panggugulo ng dayuhan.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Lumaban pa umano si Zachrisson nang lapitan ng mga awtoridad, gayunman, naaresto pa rin ito. Inaalam pa ng pulisya kung iligal ang pananatili nito sa bansa.

Bella Gamotea