Bumaba pa ang average daily attack rate (ADAR) at reproduction number ng COVID-29 sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, base sa datos ng Department of Health (DOH), nasa 486 bagong COVID-19 infections lamang ang naitala sa rehiyon noong Biyernes.
Aniya pa, ang seven-day ADAR sa NCR ay nasa 5.5 na lamang.
Mas mababa ito mula sa 6.5 ADAR na naitala ng nakalipas na araw.
Samantala, ang reproduction number naman sa rehiyon ay bumaba na rin sa 0.22 mula sa dating 0.23.
Ang reproduction number ay yaong bilang ng mga taong maaaring mahawa ng sakit ng isang pasyente. Ang reproduction number na mas mababa sa 1 ay indikasyon ng pagbagal ng hawahan ng virus.
“486 new cases in the NCR today. The trends are still in line with the Jan 24 projections. The 7-day ADAR is at 5.5 while the reproduction number is down to 0.22,” ani David.
Una ng sinabi ng OCTA na ang NCR ay klasipikado na sa low risk sa COVID-19.
Target aniya ng NCR na maabot ang very low risk classification sa Marso.
Mary Ann Santiago