Isa na namang low pressure area (LPA) ang namataan sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR) nitong Biyernes ng umaga.

Sinabi ni PAGASA weather forecaster Samuel Duran, huling namataan ang sama ng panahon sa layong 1,855 kilometro Silagnan-Timog Silangan ng Mindanao.

Maliit aniya ang posibilidad na lumakas ito, gayunman, maaari pumasok ito sa PAR sa Sabado ng gabi, Enero 22 o Linggo ng umaga.

Wala aniyang direktang epekto ito sa bansa, gayunman, mararanasan umano ang epekto ng tinatawag na shear line sa Bicol region at Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon).

Probinsya

9-anyos na bata, patay matapos makuryente ng tinatayang 20 minuto

Posible rin umanong magkaroon ng flash flood at landslide sa mga lugar na apektado ng shear line dahil sa inaasahang maranasang malakas na pag-ulan.

Ellalyn De Vera-Ruiz