Kung maaari niyang baguhin ang isang parte ng kasaysayan ng Pilipinas, pipiliin ni presidential aspirant at dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. (BBM) na hindi na tayo nasakop ng dayuhan, na naging dahilan sa paghahanap ng mga Pilipino sa kanilang pagkakakilanlan at sariling kultura.

Photo courtesy: Bongbong Marcos/FB

Aniya, “Filipinos deserve better than to be second class citizens.” Para sa kaniya, ang Pilipino ay mabait, masipag, maparaan, at kayang maging magaling sa kahit anong larangan.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

 

Ito ang dahilan kung bakit nais niyang ibalik sa mga Pilipino ang “sense of pride” at ang pagiging makabayan. Gusto niya na bawat Pilipino ay taas-noong sasabihing, “Pilipino ako.”

 

Ayon kay BBM, ang pagkakaroon ng “strong sense of nationhood” ang iniwang legasiya ng kaniyang ama, si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos, na nais niyang ipagpatuloy.

 

Noon pa man ay masigasig siya sa paksang ito. Noong nagsalita siya sa 2015 Asia CEO Talks, sinabi niya: “My vision of our country is one that can overcome its economic and social challenges by drawing on our own strengths and drawing on our unity. It is a vision of the Philippines that is prosperous, rich in opportunity, and home to happy, morally upright, and productive citizens whose lives are meaningful because theirs is a just society, because theirs is a nation that has become great again.”

 

Lumaki si BBM sa mundo ng pulitika. Walong taong gulang palamang siya noong naging pangulo ang kaniyang ama.

 

Sa edad na 23, naging vice governing ng Ilocos Norte si BBM. Naging gobernador at congressman din siya ng probinsiya bago naging senador ng Pilipinas.

 

Bilang mambabatas, isa sa mga mahahalagang batas na kanyang tinulak ay ang Philippine Archipelagic Baselines Law (R.A. 9522), na tumutukoy kung ano ang bumubuo sa karagatang teritoryo ng Pilipinas.

 

Bilang gobernador, ginawa niyang first-class province ang Ilocos Norte. Naghanap siya ng mga bago at modernong pamamaraan para mapaunlad ang lalawigan. Pinaunlad niya ang agrikultura at turismo, at itinampok ang mga natural at kultural na destinasyon ng probinsya.

 

Sa ilalim din ng kanyang pamumuno, naging pioneer ang IlocosNorte sa wind power technology, na nagpapanatili hindi lamang sa supply ng enerhiya ng lalawigan kundi maging sa iba pang bahagi ng Northern Luzon. Nais din niya itong gawin sa buongbansa—tiyakin ang sapat ngunit murang supply ng kuryente, dahil ang Pilipinas ay mayaman sa renewable energy resources na maaaring magbigay ng higit sa sapat na power supply kapag na-explore at na-tap nang maayos.

 

Sinabi ni BBM na nais niyang ibalik ang tiwala at kumpiyansang mga mamamayang Pilipino sa burukrasya ng gobyerno. Umaasa siyang magtutulungan din ang lahat ng Pilipino tungo sa iisang pananaw at layunin, lalo na ngayong nahaharap ang bansa sa mga hamon na dala ng pandemyang COVID-19.

 

Naniniwala si BBM na kapag nagkakaisa at nagtutulungan ang mga Pilipino, malalampasan natin ang anumang krisis: “Let us bring Filipinos back to one another in service of our country facing the crisis and the challenges of the future together.”