CAVITE-- Pinaalalahanan ni Gov. Jonvic Remulla ang kanyang nasasakupan na mas maging maingat ngayong nahaharap ang probinsya sa bagong surge ng COVID-19 cases.

“WE CANNOT AFFORD ANOTHER LOCKDOWN. Masyadong maraming maapektuhan. So please take responsibility for yourself and the ones you love,” ani Remulla sa kanyang Facebook post nitong Biyernes, Enero 7.

Ayon sa gobernador, nakapagtala ang provincial capitol ng 50 COVID-19 cases.

“Sa bahay na lang muna kayo kung maaari. Always wear a mask properly at iwas muna sa gimik kasama ang tropa," dagdag pa niya.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Base sa datos mula sa Department of Health Center for Health Development IVA, mayroong 1,370 na aktibong kaso ang Cavite. Ito ang pinakamataas sa rehiyon.

Carlo Dena