Merry ang Christmas ng nasasakupan ni Narvacan, Ilocos Sur Mayor Luis Crisologo "Chavit" Singson matapos mamaril ito ng pera sa kanyang mga nasasakupan kahapon, Disyembre 28.

"MGA TAGA NARVACAN HANDA NA BA KAYO? #HappyHolidays #SpiritOfGiving #LCS #LuisChavitSingson," ani Singson sa kanyang Facebook post.

Kita sa uploaded video ang 100 at 500 peso bill na lumalabas sa kanyang money gun na siya namang pinag-aagawan ng maraming tao.

"Sana all," yan ang karamihan sa mga komentong iniwan ng netizens sa kanyang video.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Inulan rin ng pagbati ang alkalde mula sa netizens ng "Maligayang Pasko at Manigong na bagong taon."