Hindi lang pera ang naiuwi ni Rachel Ann Rosales mula sa Tanza, Cavite kundi singsing matapos mag-propose ang nobyo nitong si Roldan Rivera kasabay sa kanilang Christmas party.

Sa Facebook post ni Kristine Rosales-Abbaspour, kapatid ni Rachel, ipinakita nito ang pagpo-propose ni Dan habang ginagawa ang larong "sandok pera challenge."

"May nanalo na! #sandokperachallenge. Hindi lang pera kundi singsing ang nakuha nya. Congratulations Chel and Dan! So happy for the both of you. #TheProposal #Christmas2021," pagbati ni Kristine kanila Dan at Rachel.

Ani Kristine, ginanap ang proposal noong Christmas Eve upang mas memorable.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Limang taon nang magkarelasyon si Rachel at Dan, at pinagpa-planuhan nila na isagawa ang seremonya ng kasal sa darating na Pebrero o Marso 2022.