Bukod sa kaniyang kauna-unahang Metro Manila Film Festival (MMFF) movie entry na 'Huling Ulan sa Tag-araw' katambal si Rita Daniela, masayang-masaya ang Kapuso actor na si Ken Chan dahil sa wakas ay napasinayaan at binuksan na sa publiko ang kaniyang bakery at food business na Christmas-themed cafe, na kauna-unahan umano sa buong Pilipinas.

Screengrab mula sa IG/Ken Chan

Ang naturang Christmas-themed cafe ay may pangalang 'Cafe Claus' na matatagpuan sa Tandang Sora, Quezon City. Kumbaga, araw-araw ay tila ramdam na ramdam ang Christmas feels!

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Sa Facebook page ng naturang cafe, pati ang pangalan ng mga inihahain nilang panindang tinapay at pagkain ay nakapangalan din sa Pasko.

Halimbawa nito ang classic American breakfast staples Golden Belgian waffle na pinangalan nilang 'Prancer', ang corned beef hash naman ay 'Vixen', at ang classic pancakes naman ay 'Dasher'.

Para naman sa mga tipikal na pagkaing Pinoy, ang tapsilog ay 'Comet', ang pork tocino na may French omelet ay 'Cupid', at ang longsilog naman ay 'Donner'.

Hindi ito ang unang negosyong itinayo ni Ken Chan, dahil mayroon din siyang mga gasoline stations at isang wellness brand.