Malapit nang matapos ang Bureau of Corrections (BuCor) sa pagbabakuna ng 48, 537 persons deprived of liberty (PDLs) sa pitong pasilidad nito sa buong bansa.
Sa pahayag ng BuCor, sa huling datos noong Disyembre 16, nasa 44,589 PDLs na ang nabakunahan laban sa coronavirus disease (COVID-19).
Sa mga nabakunahan, 24,911 PDLs ang nakatanggap ng kanilang first dose at 19,678 naman ang fully vaccinated.
Nakapagbakuna na ang New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City ng 27,529 out of 28,516 PDLs. Sa mga nabakunahan, 17,000 ang nakakuha na ng first dose habang 10,429 ang fully vaccinated.
Ang Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City ang may pinakamataas na bilang na nabakunahang PDLs. Sa 3,352 PDLs, 3,300 ang nakatanggap na ng bakuna.
Sa mga records ng iba pang prison facilities ipinakita na ang Sablayan Prison and Penal Farm (SPPF) sa Occidental Mindoro, 2,271 ang bakunado na; San Ramon Prison and Penal Farm (SRPPF) sa Zamboanga City, 1,716; Leyte Regional Prison (LRP), 1,946; Davao Prison and Penal Farm (DPPF) sa Davao del Norte, 6,122; at sa Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF)sa Palawan, 1,705.
Jeffrey Damicog