TABUK CITY, Kalinga – Dalawang courier ang hindi nakalusot sa police checkpoint nang tangkaing ipuslit ang 6.04 kilo ng marijuana bricks na lulan ng kotse sa Barangay Dinakan, Lubuagan, Kalinga, noong Disyembre 15.

Ayon kay Kalinga PPO Provincial Director Davy Limmong, habang nagsasagawa ng police checkpoint sa lugar, nakatanggap ng impormasyon ang pulisya na mayroong isang pulang Toyota Vios na lulan ng dalawang tao ang may ibinabiyaheng marijuana.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Agad na pinara ng pulisya ang nasabing sasakyan na lulan ng dalawang suspek na sina Michael John Rentoria Pascual, 21, ng Tuguegarao City at at Kane Brandley Torres Salang-oy, 21, ng Barangay Bulanao, Tabuk City, Kalinga.

Nang siyasatin ang sasakyan, narekober ng pulisya ang limang piraso ng dried marijuana in tubular forms na may Standard Drug Price (SDP) naP391,200 at tatlong piraso ng dried marijuana bricks na may timbang na 2.78 kgs at may halagang P333,600

Agad na dinakip ang mga suspek at kinumpiska ang marijuana bricks na may kabuuang halagang P724,800, matapos ang on-site inventory at sinampahan ng kaukulang kaso ng mga tauhan ng Lubuagan Municipal Police Station (MPS).

Zaldy Comanda