Nais mo bang magkaroon ng bagong pagkakalibangan ang iyong anak, kapatid, kamag-anak na bata upang mapalagi sila sa loob ng inyong bahay?

Isang proyekto ang simulan ng Supreme Student Government ng Baras Pinugay Phase2 National High School ang naging solusyon upang maiwasan ang paglabas-labas ng mga kabataan lalo ngayong pandemya sa Brgy. Pinugay Baras, Rizal.

Ang kanilang "Coloring Book Hub" ay sinimulan Abril 22 ngayong taon, upang tulungan ang mga chikiting na magkaroon ng libangan sa loob ng kani-kanilang tahanan.

Kaugnay pa rito, binubuksan din ng proyekto ang adbokasiya sa mainam na pagbabasa gayong hindi pa bukas ang lahat ng paaralan upang maiging matutukan ang mga kabataan.

Human-Interest

10 anak napag-aral sa kolehiyo ng mga magulang sa pagtitinda ng fishball, balut

Tampok sa bawat coloring book ang iba't-ibang "kwentong kwarantin" o istorya sa gitna ng pandemya na makapag-bibigay ng kakaibang kwento at aral sa mga bata.

Larawan: Coloring Book Hub Philippines

Sinimulan ang proyekto sa loob lamang ng paaralan ng Brgy. Pinugay Baras Riza na kalaunan ay tumawid sa iba't-ibang parte ng kanilang komunidad.

Sa loob lamang ng walong buwan, lumagpas na sa 5,000 ang kopya ng mga coloring books ang naipamahagi sa mga chikiting.

Bukod din sa sariling komunidad, tumawid na rin patungong Dumagat Area sa Antipolo ang proyekto at mayroon ring ini-imprenta sa Laguna upang maipamahagi.

Samantala, sa mga nagnanais tumulong at makilahok sa proyekto, maaari lamang na mag-iwan ng mensahe sa kanilang Facebook page: DepEd Tayo Blue Rizal - Baras-Pinugay Phase 2 National High School.