Handa na ang dalawang paaralan sa Lungsod ng Marikina para sa pilot run ng face-to-face classes, ayon kay Mayor Marcy Teodoro nitong Biyernes, Disyembre 3.

Sa isang panayam sa Teleradyo, sinabi ni Teodoro na handa na ang St. Mary Elementary School sa Barangay Nangka at Tañong Highschool sa Barangay Tañong para sa pilot run ng face-to-face classes na magsisimula sa Lunes, Disyembre 6.

Ang dalawang paaralan ay naglagay ng ventilation systems sa loob ng silid-aralan upang mabawasan ang panganib na impeksyon habang ang mga daanan at hallways ay nilagyan ng entrance at exit signs at social distancing markers para maging maayos ang daluyan ng mga estudyante habang pinananatili ang safe distance.

Samantala, sinabi rin ni Teodoro na nagtalaga sila ng city health and safety officer na magbabantay sa mga estudyanteng magcocommute papunta at paalis ng paaralan upang makita kung ligtas ba ang ganitong pamamaraan.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nirerepresenta ng Metro Manila ang 28 na paaralan lalahok sa pilot run ng face-to-face classes.