Magpapatupad ang mga kumpanya ng langis sa bansa ng malaking bawas-presyo sa kanilang produktong petrolyo sa Martes, Nobyembre 23.

Pinangunahan ng Pilipinas Shell epektibo dakong 6:00 ng umaga ng Martes ay magtatapyas ito ng P1.30 sa presyo ng kada litro ng kerosene, P1.20 sa presyo ng ng diesel at P0.85 naman sa gasolina.

Asahan na ang agarang pagsunod ng iba pang kumpanya tulad ng Seaoil, Cleanfuel, Petro Gazz, Caltex, PTT Philippines,T otal Philippines at Petron sa kahalintulad na bawas-presyo sa petrolyo.

Ang bagong price rollback ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ito na ang ikatlong sunod na oil price rollback ng mga kumpanya.

Bella Gamotea