Matapos ang pagtakbo ni Davao City mayor Sara Duterte sa pagka-pangalawang pangulo sa ilalim ng Lakas CMD, siya na ang magiging running mate ni presidential aspirant Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr. na chairman naman ng Partido Federal ng Pilipinas.
Lahat ng ito ay naganap nitong Sabado, Nobyembre 13, dalawang araw bago ang huling araw ng substitution para sa mga kandidato.
Inilabas na rin ng PFP ang kanilang resolution na nagpapahayag na si Sara Duterte na nga ang magiging running mate ni BBM sa halalan 2022. batay rito, wala pang opisyal na running mate si BBM nang maghain ito ng Certificate of Candidacy o COC na kumakatawan sa kaniyang partido. May kalayaan umano si BBM na pumili ng kaniyang running mate.
At batay sa mga pangyayari nitong nakalipas na mga araw, magmula nang umatras si Sara sa kaniyang kandidatura sa pagka-Davao City mayor, pagbibitiw sa partidong Hugpong ng Pagbabago, pagsali sa Lakas CMD at paghalili sa vice presidential candidate nito, nabuo na nga ang BBM-Sara tandem na matagal na ring usap-usapan sa social media.