Nanumpa na si Davao City Mayor Sara Duterte bilang miyembro ng Lakas-CMD, isang political party na naiulat na naglaan ng puwesto para sa pagka-presidente at bise presidente na maaari niyang gamitin para sa pagpapalit ng kandidato bago sumapit ang Nobyembre 15 na itinakdang deadline ng Commission on Elections.

“The officials and members of Lakas-CMD are elated to welcome Davao City Mayor Sara Duterte as new member of our party. We had long been inviting Mayor Inday to join our party as we are all impressed with her sterling qualities as a leader and we saw up close her exemplary work ethic as chief executive of Davao City,” ani Lakas-CMD president at House Majority Leader Martin Romualdez matapos pangunahan ang panunumpa ni Duterte sa Revilla Farm sa Silang, Cavite dakong 6:00 ng umaga nitong Huwebes.

Si Senador Ramon "Bong" Revilla Jr., Lakas-CMD chairman, ang witness sa oath taking nang dumalo ang lady mayor sa kasal ng senador.

Hindi agad nalaman kung nagsilbing witness ng oath taking si Partido Federal ng Pilipinas presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na dumalo rin sa kasal.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Naganap ang Lakas-CMD oath taking isang araw matapos magbitiw bilang chairperson at miyembro ng Hugpong ng Pagbabago ang presidential daughter. 

Sinabi ni Romualdez na si Duterte ay may napatunayang track record na mayroong mahusay na kredensyal bilang alkalde ng Davao City. 

Aniya, magiging promising leader at tremendous asset ng Lakas-CMD ang presidential daughter.

“I am confident that with Mayor Sara’s exceptional brand of leadership, she can help our party chart a new course that will ensure a brighter tomorrow for our children and the next generation,” pahayag pa ni Romualdez.

Ben Rosario