Hindi pa nakapipili si Pangulong Duterte ng papalit kay Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Guillermo Eleazar bagama’t nakatakda ang kanyang pagpapasya.

Ito ang nilinaw ni Spokesperson Harry Roque nitong Lunes, Nob. 8, sa gitna ng mga bulong-bulungang binasbasan na ni Duterte ang susunod na “top cop.”

“Wala pa napipili, mayroon lang pong short list,” sabi ni Roque sa isang virtual press conference.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Pangulong Rodrigo Duterte (kaliwa) at PNP Chief General Guillermo Eleazar (kanan) / Malacañang, via Facebook

“Pero syempre po, kinakailangang i-anunsiyo naman yan bago magretiro si General Eleazar,” dagdag ng tagapagsalita ng Palasyo.

Nauna nang iniulat ng Manila Bulletin na limang pangalan ang nakalista bilang posibleng kapalit ni Eleazar.

Sa darating na Nob. 13, magdiriwang ng ika-56 kaarawan si Eleazar, retirement age ng isang PNP chief, dahilan para bumaba siya sa kanyang puwesto.

Si Eleazar ang pumalit bilang PNP chief sa kontrobersyal na si Gen. Debold Sinas noong Mayo lang.

Ellson Quismorio