Tinututulan ng tatlong senador ang panawagang magpatupad ng mandatory vaccination laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) na nakikitang paraan ng gobyerno upang mapabilis ang pagbabakuna sa bansa.

Kabilang sa tumututol sa nasabing usapin sina SenatorKiko Pangilinan, Risa Hontiveros, at Senate President Tito Sotto.

Nitong Linggo, iminungkahi ngDepartment of The Interior and Local Government (DILG) na tanggalan ng insentibo ang mga benepisyaryo ngPantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na tumatanggi pa ring magpaturok laban sa COVID-19.

Gayunman, iginiit niPangilinan na dapat na ipatupad ang programa nang walang kondisyon sa mga pamilyang benepisyaryo nito.

National

PISTON at Manibela, may transport strike ulit!

“Ayaw ba ng mga tao magpabakuna? Parang ang isyu ng mababang vaccination rate ay availability ng bakuna at tiwala ng mga tao sa brand ng bakuna. Getting vaccinated is a personal decision. Ang dapat gawin ng gobyerno ay kumbinsihin ang mga taong piliin ang magpabakuna,” aniya.

“Incentivize, not penalize. Hindi dapatpinagkakaitang ayuda. Hindi solusyon ang alisan ngpangkainang tao," giit nito.

Paliwanag naman ni Hontiveros, wala sa batas ng "4Ps" na nagsasabing dapat munang magpabakuna ang mga benepisyaryo bago sila bigyan ng benepisyo.

Panawagan naman ni Sotto, dapat na magpatupad ng tamanginformation program sa halip na iutosang puwersahang pagbabakuna katulad ng sa kaso ngLas Piñas at Quezon City kungsaan nagtatagumpayang vaccination campaign ng mga ito.