Babalik na sa kaniyang radio program na 'Kabayan' sa 'TeleRadyo' ang batikang newscaster na si Noli De Castro sa Nobyembre 8, 2021, matapos umurong sa pagtakbo sa pagka-senador para sa halalan 2022.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/13/kabayan-di-na-tatakbo-karen-etsa-puwera-na/">https://balita.net.ph/2021/10/13/kabayan-di-na-tatakbo-karen-etsa-puwera-na/

Ayon sa pahiwatig ni Kabayan sa kaniyang Instagram post noong Oktubre 27, mukhang miss na niya ang pagbigkas ng 'Magandang Umaga, Bayan!' sa kaniyang radio program.

"Magandang Umaga, Bayan. Miss ko na kayo kabayan. Abangan," ayon sa kaniyang caption.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Sa mga sumunod na Instagram posts ni Kabayan, makikitang nasa isang beach siya at nag-eenjoy bago sumabak muli sa trabaho---ang pagbabalik niya sa ABS-CBN at sa kaniyang radio program upang makapagsilbi sa bayan sa paraang alam niya-- ang broadcasting.

"Salamat po, sa kaunting pagkakataon na ma-enjoy ko ang beach, bago bumalik muli sa TeleRadyo sa Lunes, kita kits kabayan," ani Kabayan nitong Nobyembre 5.

"Ayos ba kabayan. Sana magtuloy-tuloy na ang pagbaba ng mga kaso ng Covid, upang ma-enjoy naman natin ang ganda ng dagat at ng beach," ayon pa niya sa isa pang Instagram post.

May parang hugot naman siya sa mga ibon na kaniyang nakasalamuha.

"Ang ibon ay hindi masaya kapag hindi siya malayang lumilipad, katulad din ng tao kapag sinikil mo ang kanyang kalayaan. Enjoy your weekend, mga kabayan."

Larawan mula sa FB/Noli De Castro

Larawan mula sa FB/Noli De Castro

Larawan mula sa FB/Noli De Castro

Naglabas din ng opisyal na pahayag ang ABS-CBN management sa muling pagbabalik ni Kabayan.

"Natutuwa kami at magbabalik sa TeleRadyo si Noli de Castro para ipagpatuloy ang kanyang tunay na misyon, ang maglingkod sa kapwa Pilipino sa pamamagitan ng kanyang programang Kabayan. We welcome him back in ABS-CBN with open arms,” anila. Makakasama niya rito ang radio anchor na si Joyce Balancio.

Samantala, wala pang balita kung makakabalik at isasama siya sa bagong bihis na TV Patrol matapos siyang palitan ni Karen Davila, kasama sina Henry Omaga Diaz at Bernadette Sembrano.