Ipinababatid ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Martes, Nobyembre 2 sa publiko na ibinaba ng ahensya ang Alert Level sa buong Iraq mula sa dating Alert Level 4 (Mandatory Repatriation) patungong Alert Level 3 (Voluntary Repatriation) dahil sa ilang pagbabago sa sitwasyong pangseguridad sa naturang bansa at ng kahilingan na rin ng overseas Filipino workers (OFWs) sa Iraq.

Kasunod ng nasabing development at sa rekomendasyon ng DFA, nag-isyu ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Governing Board ng Governing Board Resolution (GBR) No. 9 series of 2021, na nagbibigay ng exemption sa returning OFWs sa Iraq mula sa deployment ban, na partikular na mayroong mga kondisyon na nakalista sa naturang resolusyon.

Pinapaalalahanan ng DFA ang mga Pinoy sa Iraq na patuloy na magpatupad ng kaukulang pag-iingat, restriksiyon sa kilos o galaw sa sinumang kinakailangan nito at pagpapanatiling bukas ang kanilang linya ng komunikasyon sa Embahada ng Pilipinas sa Baghdad, kung saan maaaring makontak sa +9647506561740, +9647516167838, at +9647508105240, o[email protected].

Bella Gamotea

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho