Inihayag ng sikat na Australian doctor-vlogger-influencer na si Doc Adam na hihinto na siya sa vlogging, ayon sa kaniyang social media posts nitong unang araw ng Nobyembre.
Aniya, kailangan na niyang magpokus sa kaniyang trabaho bilang doktor, gayundin sa lawsuit na kailangan niyang harapin sa Australia.
"I am leaving YouTube to concentrate on my doctor work and pay for the Dr Farrah lawsuit that I am currently facing in Australia. Kc is auctioning my shirt to raise money for my legal costs (over 200,000 dollars so far). This is hard for me to do," aniya.
Kaya naman, naka-auction na ang kaniyang doctor shirt na madalas niyang gamitin sa kaniyang vlogs.
"I have so many good memories in this shirt but I know whoever gets it will take care of it for me and give it a good home. All money raised in this auction will go towards supporting the legal costs. I'll set the price at 0 pesos. Let's see how high we can go."
Sa kaniya namang Instagram post, "It’s been an honour doing content for the Filipinos. Doc Adam, signing off."
Nakilala si Doc Adam bilang isang Australian doctor na 'Pinoy at heart' dahil sa pagbibigay niya ng mga kaalamang pang-medisina sa pamamagitan ng wikang Tagalog o Filipino.