Nadagdagan pa ng 19 ang tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Philippine National Police (PNP) nitong Lunes.

Sa report ng PNP, nakapagtala na sila ng 41,847 na kabuuang kaso ng sakit nitong Nobyembre 1, kabilang ang 479 na active cases.

Sa pinakahuling ulat, sinabi ng PNP na 35 pa ang naidagdag na nakarekober sa COVID-19, kaya umabot na sa 41,245 ang kabuuan nito.

Pagdidiin pa ng PNP, nananatili pa rin sa 123 sa kanilang hanay ang binawian ng buhay dulot ng sakit

National

OVP, nagpaliwanag hinggil sa 'casual meeting' nina VP Sara at Ex-VP Leni sa Naga