Bumuo ng anti-corruption committee angDepartment of Human Settlements and Urban Development (DHSUD)upang matiyak ang integridad ng ibinibigay na serbisyo sa sektor ng pabahay.

Sa pahayag ni DHSUD Secretary Eduardo del Rosario nitong Linggo, Oktubre 31, ang komite ay bahagi ng pangako ng ahensya upang makapagbigay ng mga proyektong napakikinabangan ng publiko.

Aniya, ang komite ay gagamitin upang makapagsagawa ng check and balance sa mga polisiya ng gobyerno, programa at operasyon nito.

“Ensuring full integrity among us, our backbone of honesty, while we cultivate service excellence,” pahayag ni del Rosario.

National

OVP, nagpaliwanag hinggil sa 'casual meeting' nina VP Sara at Ex-VP Leni sa Naga

Noong 2017, inilabas ng Pangulo ang Executive Order No. 43 na nag-oobliga sa mga sangay ng ehekutibo na bumuo ng mga komite upang magbantay sa nagaganap na korapsyon sa kanilang nasasakupan.

Kamakailan, itinalaga ng DHSUD ang grupo ng mga miyembro committee at nanumpa na rin sila sa kanilang tungkulin.

“Let me also take this opportunity to thank the Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) led by Chairperson Greco Belgica for uplifting the pride and dignity of the men and women in the bureaucracy through his stern and logical campaigns on good and clean governance,” aniya.del Rosario said in his speech.

“As corruption has a very secretive nature, it is one of the most difficult crimes to investigate. We cannot allow such a despicable act to infiltrate this institution, which we have all carefully maintained clean and transparent,” pahabol pa ni del Rosario.

PNA