ISABELA – Nahuli sa akto ang isang 18-anyos na babae habang humihithit ng iligal na droga sa loob ng isang hotel sa Cabatuan ng lalawigan nitong Sabado ng madaling araw.

Under custody na ngayon ng pulisya si Mary Jane Anino, taga-Bypass Road, San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Sa imbestigasyon, isinagawa ang pag-aresto matapos makatanggap ng impormasyon ang pulisya kaugnay ng paggamit ng shabu ni Anino sa loob ng isang hotel sa Barangay Calaocan.

Sa panayam, sinabi naman ni Cabatuan Police officer-in-charge Maj. Lorvin Layugan, nasamsam sa suspek ang hindi pa mabatid na halaga ng iligal na droga at drug paraphernalias.

Probinsya

Babaeng sumagip ng naaksidenteng aso, patay sa bundol ng van

Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 laban sa suspek, ayon naman sa may hawak ng kaso na siCorporalRotelioDel Rosario.

Liezle BasaIñigo