Nai-deploy na ng Department of Health (DOH) ang lahat ng malapit nang ma-expired na Moderna vaccines na binili ng pribadong sektor at ipinahiram sa pamahalaan.

Ayon kay DOH Undersecretary Myrna Cabotaje, ang mga naturang bakuna na nakatakdang ma-expired sa Nobyembre 30, ay binili ng mga pribadong kumpanya para sa kanilang mga empleyado ngunit nabakunahan na sila ng pamahalaan.

Ipinahiram nila ang mga naturang bakuna sa pamahalaan upang hindi masayang ang mga ito.

"We have already deployed all of them. Binigay natin ito sa areas na maganda ang performance at syempre may cold chain capacity," ayon kay Cabotaje.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

"Dinidistribute na, binabakuna na sa areas na inidentify mostly (sa) Region 3 (Central Luzon) and 4A (Calabarzon) kasi sila ang pinakamabilis at sila ang pinakamaraming di nababakunahan," ayon pa kay Cabotaje. 

Aniya, target nilang maiturok na ang mga bakuna ngayong linggong ito.

"We're targeting this week para mabigay na lahat ang 'di pa nabigay...2 weeks lang dapat ubos na 'yan," aniya pa. 

Mary Ann Santiago