Bumalik muli sa New York sa United States si Presidential Spokesperson Harry Roque, upang maging bahagi sa isang United Nations (UN) event.
Sa isang virtual press conference kasama ang Malacañang reporters nitong Martes, Oktubre 26, nagbigay ng dahilan si Roque para sa kanyang ikalawang pagbisita sa stateside sa ilang buwan.
“It is an official visit po to the UN on the occasion of the UN International Law Week and I am supported by officials from the Office of the President and the Department of Foreign Affairs (DFA),” ani Roque nang matanong tungkol sa kanyang pag-alis.
“My wife with me, but on my own account,” paglilinaw ng Palace official
Hindi napigilan ni Roque na mag-obserba kung paano nakabalik sa "normal" ang USsa gitna ng patuloy na COVID-19 pandemic.
“Normal na po sa Amerika. Bukas po ang lahat, pero hindi pwede pumasok sa enclosed [areas] kung walang vaccination card," aniya.
Nitong nakaraang buwan, nagpunta si Roque sa New York sa hangaring mahalal bilang isa sa 34 na miyembro ng International Law Commission (ILC).
Ellson Quismorio