Binati at binigyang-pugay ng Kamara sa pangunguna House Speaker Lord Allan Velasco ang tagumpay ni Carlos Edriel Yulo dahil sa kanyang "stunning performance" sa 50th FIG Artistic Gymnastics World Championships sa Kitakyushu, Japan.

Si Yulo na isang gymnast ay nanalo ng mga medalyang ginto at pilak sa men’s vault and parallel bars events, ayon sa pagkakasunod.

"Minsan pa, itinaas natin ang bandila ng Pilipinas nang may pagmamalaki at karangalan," ayon kay Speaker Velasco.

"We are proud of you, Caloy. Mabuhay ang atletang Pinoy!", pahayag ni Velasco kasama ang may 300 kasapi ng Kapulungan.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Bert de Guzman