Itinakda sa Nobyembre 11 ang Fourth Quarter Online Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) na pamumunuan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, (NDRRMC) sa pamamagitan ng Office of Civil Defense (OCD).

Sa anunsyo ng NDRRMC, mapapanood ito sa livestreaming ng Civil Defense PH at NDRRMC social media page.

Panawagan ng NDRRMC sa publiko, patuloy makiisa sa NSED at sa iba pang national at community-based preparedness activities at mga programa upang mapalakas ang kapasidad sa pagresponde sa lindol at iba pang kapamahakan.

Sa ulat, ang NSED ang magiging pang-anim na online earthquake drill simula 3rd quarter noong nakaraang taon.

National

OVP, nagpaliwanag hinggil sa 'casual meeting' ni VP Sara kay Ex-VP Leni sa Naga

Beth Camia