Posible umanong pagsapit ng Nobyembre o Disyembre ay masimulan na ng pamahalaan ang pagbibigay ng 3rd dose at booster shots ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) para sa mga indibidwal na kabilang sa priority groups.

Ito, ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ay kung sakaling mailabas na ng Food and Drug Administration (FDA) ang emergency use authorization (EUA) para sa pagsasagawa nito.

“Ito pong gagawin nating third doses and booster shots, it’s going to be this baka last quarter po,” ani Vergeire, sa panayam sa teleradyo.

“Ito pong parating na Nobyembre at Disyembre magawa natin kung lalabas po 'yung emergency use authority na manggagaling sa Food and Drug Administration,” aniya pa.

National

Guanzon, tinanong sino si Ben Tulfo: 'What has he done for the country?'

Nauna nang inaprubahan ni Health Secretary Francisco Duque III ang rekomendasyon ng Health Technology Assessment Council (HTAC) na magbigay ng karagdagang COVID-19 vaccines sa mgahealthcare workers at iba pang priority groups.

Ani Vergeire, dapat na amyendahan ng FDA ang EUA ng mga COVID-19 vaccines na kasalukuyang ginagamit sa bansa upang mabigyan ng pahintulot ang booster shot o third dose ng bakuna.

Nabatid na ang booster shots ay ipinagkakaloob sa mga taong ang proteksiyong nakuha sa bakuna ay nabawasan habang ang 3rddose naman ay ipinagkakaloob sa mga vaccine recipients na hindi nakakuha ng sapat o mahina ang immunity laban sa COVID-19.

Mary Ann Santiago