Aabot na sa 193,915 na miyembro ng Philippine National Police (PNP) ang nabakunahan na laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ang isinapubliko PNP deputy chief for administration, Lt. Gen. Joselito Vera Cruz at sinabing katumbas ito ng 86.90 porsyento ng 221,000 miyembro ng kanilang hanay.

Paliwanag ng opisyal, nasa 1.57 porsyento na lamang o 3,509 na pulis ang hindi pa natuturukan.

Malaki rin aniya ang posibilidad na masimulan na ang pagbabakuna sa mga menor de edad na dependents ng mga aktibong miyembro ng PNP sa Nobyembre.

National

VP Sara Duterte, binisita si Ex-VP Leni Robredo sa Naga

Gayunman, nakasalalay pa rin aniya ito sa vaccine allocation ng Department of Health (DOH).

Kaugnay nito, kabuuang 41,453 na ang kumpirmadong nahawaan ng virus sa PNP, ayon pa sa opisyal.

PNA