Matapos ang mga espekulasyon na magiging Kapuso na siya, muling nagbabalik-Kapamilya at Star Magic ang singer-actor na si Marlo Mortel.

Nag-guest kasi siya sa morning talk show na 'Mars Pa More' nitong Agosto 2021, at wala rin naman siyang proyekto sa Kapamilya Network sa mga nakalipas na araw.

Sa panayam kay Mortel ng media para sa kaniyang bagong single na 'Bituin', sinabi niya na balik-Kapamilya na at Star Magic na ulit siya. Nagpahinga lamang umano siya at 'hinanap ang sarili'.

“I’m happy because I think sapat na ‘yung time na I took a break with Star Magic last year. Walang anything bad na nangyari, it’s just that I wanna find myself– music-wise, as an artist,” paliwanag niya.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

“Nahanap ko na siya, I discovered who I am as a person so I’m ready to do what I love the most, which is singing and acting."

Aniya, malaking bagay talaga na ikonsidera din ang mental health ng isang artist.

“It’s basically about mental health talaga. It’s about finding your inner joy and happiness. Also, finding your purpose in life," aniya.

9 na taon nang Kapamilya at mina-manage ng Star Magic. Naging katambal niya si Janella Salvador sa hit daytime TV series na 'Be Careful with My Heart (2012)'.