Iniulat ng Department of Health (DOH) nitong Lunes na nakapagtala pa sila ng karagdagang 633 bagong kaso ng mas nakahahawang Delta variant ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Sa isang media briefing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang naturang bilang ay mula sa 748 samples na isinailalim nila sa whole genome sequencing noong Oktubre 16.

Bukod sa 633 Delta variant cases, anim ang nagpositibo sa Beta variant, at tatlo ang Alpha variant.

Dahil sa naturang mga bagong kaso ng Delta variant, mayroon na ngayong kabuuang 4,431 COVID-19 Delta variant cases sa bansa.

National

Alice Guo, ililipat sa Pasig City jail kaugnay ng kasong qualified trafficking

Kabuuang 2,938 naman ang Alpha variant cases habang 3,313 ang Beta variant cases.

Nabatid na hanggang nitong Oktubre 17, 2021,kabuuang 17,147 samples na ang naisailalim sa sequencing, at 88.46% nito o 15,168 ay may lineages.

Sinabi naman ni Vergeire na lahat ng rehiyon sa bansa ay nahawaan na ng Delta variant na kabilang din samost common lineage sa mga samples na na-sequence nationally na nasa 29.2%.

Mary Ann Santiago