"It's a YES!"

Engaged na ang Tokyo Olympics Gold medalist na si Hidilyn Diaz sa kanyang coach at boyfriend na si Julius Naranjo.

Sa Instagram post ni Hidilyn, ipinost niya ang kanyang picture hawak hawak ang kanyang gold medal at nakasuot ang singsing na mistulang engagement ring.

Magical moment ito para kay Hidilyn, aniya sa caption: "It was a magical moment with@imjulius,"

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Screengrab mula sa Instagram ni Hidilyn Diaz

"I'm grateful to God that He sent Julius into my life, he make my life easy, alam ng iba kung ano mga sinasakripisyo niya para maabot namin ang pangarap na Ginto sa Olympics together with#TeamHD, nun laro kinilig at masaya ako kasi siya mismo nagsabi God is the center of our relationship, kaya walang duda magYeYES ako dahil swerte ako may isang Julius nagmamahal, nagintindi , at sumoporta sakin," ani Hidilyn.

"Thank you sa lahat ng kasabwat ni Julius, magaling po kayo naging meaningful ang gabi dahil sa inyo," dagdag pa niya.

Sa Instagram post naman ni Julius, ipinost din niya ang picture ni Hidilyn.

Screengrab mula sa Instagram ni Hidilyn Diaz

"There’s a first for everything," ani Julius sa kanyang caption.

Samantala, marami ang nagpaabot ng "Congratulations" kina Hidilyn at Julius.

Taong 2017 nang nagkakilala ang dalawa at kalaunan ay nagdatena rin sila.

Sinabi ni Hidilynsa kanyang interviewsa "Magandang Buhay" noong 2019, na masuwerte siya na sa si Julius ang nasa tabi niya palagi.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/07/30/kilalanin-si-julius-naranjo-ang-coach-at-boyfriend-ni-hidilyn-diaz/

Congratulations Hidilyn and Julius!