Tinatayang 130.3 gramo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng ₱886,040 ang nasamsam sa isang tricycle driver sa isang buy-bust operation sa Taguig City, nitong Oktubre 14.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na kinilala ng pulisya na siMusalik Balakanen, alyas "Panda," 27, at taga-Taguig City.

Sa eport ni City Police chief Col. Celso Rodriguez, nagkasa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Taguig Drug Enforcement Unit sa Road 16 Maguindanao Street, New Lower Bicutan na nagresulta sa pagkakaaresto ni Balakanen, dakong 11:30 ng gabi.

Narekober kay Balakanen ang naturang iligalna droga at marked money.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang kaso upang matukoy ang pinagkukunan nito ng iligal na droga.

Bella Gamotea