Lumantad na at sumuko ang driver na tumakas matapos magpa-full tank ng kotse sa isang gasolinahan sa Quezon City kamakailan.
Maki-Balita: Madulas pa sa langis! Kotseng nagpa-full tank, umeskapo nang mabilis
Sa ulat ng 24 Oras noong Martes, Marso 31, humingi ng dispensa ang driver sa ginawa niya at ipinaliwanag ang kaniyang panig.
“Nagawa ko po ‘yon dahil graduating ‘yong anak ko. Wala po akong maiuwing pera. Kaya humihingi po ako ng dispensa sa nagawa ko,” anang driver.
Dagdag pa niya, “Ang hirap po kasi ng biyahe, e. Sa diesel lang po kasi napupunta ‘yong kinikita namin, e. Halos wala nang mauwi.”
Matatandaang dahil sa ginawa ng naturang driver ay kinaltasan ng sahod ang gas pump attendant na tinakbuhan.
Maki-Balita: Gas attendant na tinakbuhan ng motoristang nagpa-full tank, kakaltasan ng suweldo!
Kaya anang gas pump attendant, “Ginawa niya po ‘yon, e. Panindigan niya po.”
Bagama’t bukas ang driver na makipag-areglo sa gas pump attendant, iginiit ng pulisya na makakasuhan siya ng estafa.