Hiniling na ni Labor Secretary Silvestre Bello kay Pangulong Rodrigo Duterte na pag-aralan ang posibleng pagpapatigil g pagpapadala ng overseas Filipino workers (OFWs) sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA) dahil sa hindi pa nababayarang suweldo na aabot sa P4.6 bilyon.

"I sent a memorandum to the President requesting his permission to consider a deployment ban to the Kingdom of Saudi Arabiakung hindi nila mababayaran ‘yun pera na pinaghirapan ng ating mgaOFW for so many years. So‘yun po ang plano, pag-aralan namin,” sabi nito sa isang pulong balitaan, nitong Biyernes.

Katwiran ni Bello, aabot sa 11,000 OFWs ang hindi tumanggap ng suweldonoong 2016 kaya inatasan siya ng Pangulo na pauwiin na silang lahat.

“We repatriated our compatriots involving about PHP3 billion to be able to bring all of them back home. But before doing that, we authorized a lawyer provided by the assistance to nationalbythe DFA (Department of Foreign Affairs) to pursue the claims of our OFWs,” dugtong pa na pahayag ni Bello.

National

PCO, pinasalamatan Kamara sa pag-apruba ng ₱2.281B proposed budget sa 2025

PNA