Naghain ng kanyang kandidatura si Bayan Muna chairman at human rights lawyer Neri Colmenares nitong Huwebes, Oktubre 7, para sa darating na May 2022 polls.

Bayan Muna chairman Neri Colmenares (Photo from Comelec)

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Tatakbo siya siya sa ilalim ng Makabayang Koalisyon ng Mamamayan (Makabayan) bloc, na binubuo ng socio-civic partylists kabila ang Bayan Muna, Gabriela, ACT Teachers, Kabataan, at Anakpawis.

Ito na ang ikatlong subok ni Colmenares na makakuha ng puwesto sa senado. 

Nanumpa siya na magkakaroon ng free mass testing, at palalakasin ang contact tracing system kung sakali siya ay manalo. 

“Isasabatas natin ang mga sistema na mas tutugon sa mga sulinaring problemang kalusugan. Ang ayaw gawin ni President Duterte sa kabila ng kaliwa’t kanang pangungutang, isasabatas natin. Mula libreng COVID testing hangga’t sa iba’t ibang pagpapagamot sa ibang sakit na hindi mag-alala sa gastusin," ani Colmenares.

“Isang batas na naglalayong gawing libre ang ospitalisasyon ng ating mahihirap. Libreng gamot, pagamot, at ano mang medically necessary na operasyon kasama na ang kidney transplant o chemotherapy. Kung hinangad ng marami ang libreng edukasyon, itutulak din natin ang libreng pagamot at libreng gamot," dagdag pa niya.

Tumakbo si Colmenares noong 2019 midterm elections ngunit natalo ito dahil siya ay nasa ika-24 puwesto na mayroong 4.6 na milyong boto.

Gabriela Baron