TACLOBAN CITY-- Mukhang magiging labanan ng political clans sa fourth district ng Leyte sa darating na May 2022 elections dahil naghain din ng certificate of candidacy sa pagka-kongresista si dating Commission on Elections Commissioner Gregorio Larrazabal nitong Lunes, Oktubre 4.

Tatakbo si Larrazabal laban kay Ormoc City Mayor Richard Gomez sa kaparehong posisyon dahil papalitan niya ang kanyang asawa na si Rep. Lucy Torres-Gomez na tatakbo naman bilang mayor ng Ormoc.

Naniniwala si Larrazabal na ang kanyang karanasan sa gobyerno ay makatutulong sa pag-angat ng nasabing distrito at maisusulong pa nito angiminungkahi niyang batas tulad ng revision of the Omnibus Election Code.

“Running for the district will help me address local issues and tackle national issues,” pagbabahagi niya.

57 kilos ng shabu na isinilid sa Chinese tea bags, nakumpiska sa pantalan sa Southern Leyte

Tatakbo si 'Goyo' sa ilalim ng People's Reform Party, National People's Coalition, at Probinsya Muna Development Initiative.

Ayon sa isang source, kasama sa lineup ni Larrazabal si dating Ormoc City Mayor Edward Codilla na natalo ni Gomez noong 2016 elections, at dating Mayor Rowena Codilla ng Kananga, Leyte na siya namang natalo ni Mayor Matt Torres, kapatid ni Lucy, noong 2019.

“We spoke with the Codillas and we believe that we can effect change to make things better,” dagdag pa niya.

Si Gomez naman ay tatakbo sa ilalim ng ruling party ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan.

Marie Tonette Marticio