Isinapubliko ni Pasay Mayor Emi Rubiano nitong Miyerkules na binawian na ng buhay ang City administrator nito na si Atty. Dennis Acorda matapos umanong mahawaan ng coronavirus disease 2019.

“I lost a friend and a co-worker in ‘Tapat na Paglilingkod.’ CA Atty. Dennis, you will remain in my heart. Thank you for sharing your time, talent, and your whole life in helping me serve the city. Your memories will live on tangibly and in our hearts. Rest In Peace, Admin Dennis,” pahayag ng alkalde.

Aniya, nagsimulang manilbihan si Acorda sa kapatid nito na si Antonino Calixto na noo'y alkalde lungsod at ngayo'y kinatawan na ng lungsod sa Kongreso.

Sa pahayag naman ng isang mapagkakatiwalaang source sa City Hall, si Acorda ay namatay nitong Miyerkules matapos umanong tamaan ng COVID-19.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Jean Fernando