Dinampot ng mga awtoridad ang dalawa nilang kabaro matapos maaktuhang nagtutupada sa ikinasang anti-gambling operation sa Mati City, Davao Oriental, kamakailan.

Hindi na nakapalag nina Corporal Linwell Salvana at Staff Sergeant John Declem nang damputin ng mga kasamahan habang nagsasabong sa Barangay Dahican.

Kaagad namang iniutos ni National Police Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar ang pagsasampang kasong administratibo laban sa dalawa.

“I have already directed the RD, PRO11 to disarm, restrict under custody and file administrative charges against them. What they did was embarrassing to the PNP because instead of stopping this kind of activity, they were among those arrested,” paliwanag pa ng heneral.

Probinsya

Kumpareng lasing na aksidenteng 'tinuhog' si kumare, nasakote

Bukod sa dalawa, dinakip ang sibilyan na siNoel Escasinas na kasama rin sa nagsasabong.

Nahaharap ang tatlo sa kasong paglabag saPresidential Decree 449 o Cockfighting Law of 1974.

Aaron Recuenco