Aabot sa 379.5 gramo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng₱2.5 milyon ang nakumpiska ng awtoridad sa isang lalaking kapangalan ng komedyanteng si Joey de Leon sa Parañaque City nitong Martes.

Kinilala ang naaresto na si Joey De Leon, nasa hustong gulang, at taga-Barangay 114, Zone 14, Pasay City.

Naiulat ng pulisya, inaresto ang suspek sa ikinasang buy-bust operation saharap ng Seaside Market, Roxas Boulevard Service Road, Baclaran, Parañaque City, dakong4:15 ng hapon.

Bukod sa iligal na droga na aabot sa₱2.5 milyon,nasamsam din ng pulisya sa suspek ang marked money.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Sasampahan si De Leon ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Bella Gamotea