Sa ikalawang pagkakataon mula nang maupong Pangulo noong 2016, inaasahang tutugon si Pangulong Duterte Sa United Nations (UN) para personal na mag-ulat ukol sa mga napapanahong isyu ng bansa kabilang ang coronavirus disease (COVID-19) response, mga hinaing ukol sa karapatang pantao at iba pa.

Ayon sa pahayag ng Palasyo nitong Linggo, Setyembre 19, magsasalita ang Pangulo sa unang araw ng High-Level General Debate sa 76th United General Assembly (UNGA) a darating na Setyembre 21, New York time.

Haharap ang pangulo sa international community sa Martes, Setyembre 22 sa pagitan ng ika-4 hanggang ika-6 ng umaga sa Maynila.

Dagdag ng Palasyo, ihahayag ng Pangulo ang interes ng bansa sa ilang mga suliranin kabilang ang pagkakaroon ng sapat na suplay ng bakuna.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

“President Duterte will advance Philippine positions on global issues of key concern, such as universal access to COVID-19 vaccines, climate change, human rights, including the situation of migrant workers and refugees, and international and regional security developments,” sabi ng Palasyo.

Ang United Nations General Assembly ang main deliberating organ ng UN na mayroong kinakatawang 193 Member States.

Sesentro ang sesyon ngayon taon sa temang, “Building resilience through hope – to recover from COVID-19, rebuild sustainably, respond to the needs of the planet, respect the rights of people, and revitalize the United Nations.”

Pangungunahan ni Abdulla Shahid, Minister of Foreign Affairs ng Maldives at ang incoming President ng 76th UNGA, ang nasabing High-Level General Debate.

Hybrid format na kinabibilangan ng ilang in-person at virtual attendees ang session kasunod ng pag-iingat pa rin sa hatid na krisis ng pandemya.

Matatandaang pinuri ang Pangulong Duterte sa kanyang unang talumpati sa UN nakaraang taon. Dun ay iginiit ng Pangulo ang arbitral win ng West Philippine Sea (WPS).

Argyll Cyrus Geducos