Inaasahan ng bansa na makatanggap ng 190,000 doses ng Sputnik V vaccine mula sa Russia sa katapusan ng linggo o sa susunod na linggo, ayon sa National Task Force (NTF) Against COVID-19 nitong Biyernes, Setyembre 17.

Sa isang pahayag, sinabi ni vaccine czar and NTF chief implementer Carlito Galvez Jr. ang darating na Sputnik V jabs ay para sa second dose inoculation. Inaasahan rin ang pagdating ng isang milyong doses ng Sputnik Light vaccine sa buwan na ito.

“This shipment of Sputnik V vaccines shall be used for the second dose. After this, we will be receiving the single-shot Sputnik V Light as we move forward with our vaccine rollout,” ayon kay Galvez.

Binawasan naman ng vaccine czar ang pangamba ng mga tumanggap ng first dose ng Sputnik V dahil sa delay ng suplay para sa kanilang second dose.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

“As per our vaccine experts from the Department of Health, the gap between first and second doses of Sputnik V can be as long as six months, so no need to worry because the vaccines are arriving soon,” paliwanag ni Galvez.

Gayunman, umaasa ang NTF official na mas maraming tao ang mababakunahan ng Sputnik Light dahil isang dose lamang ang kakailanganin upang makamit ang maximum protection nito.

“The Sputnik V Light is more efficient because we will be able to protect more people faster. This would eliminate the problem wherein people fail to return for their second dose,” ani Galvez.

Sa huling datos nitong Setyembre 15, nakatanggap na ang Pilipinas ng 57,547,610 vaccine doses mula sa iba't ibang manufacturers, sa naturang bilang 36 milyong doses ang binili ng national government.

Nitong Setyembre 15, minarkahan ng bansa ang ika-40 milyong vaccine administration na 40,030,388 na shot.

Kaugnay nito, 17,675,959 na indibidwal ang fully vaccinated habang 22,354,429 ang nakatanggap ng first dose.

Martin Sadongdong