"Despot" at "kawatan"
Mga bagong salitang ginamit ni Pangulong Duterte sa paglalarawan niya kay Senador Richard Gordon sa kanyang taped "Talk to the People" public briefing na umere nitong Huwebes ng umaga, Setyembre 16.
“It might seem we are begging a fight with you; we are not,” sabi ni Duterte na tumutukoy sa Senado.
“Ang problema dyan, yung [Senate] Blue Ribbon [Committee] ang chairman, is a despot. He does not allow anybody to answer and he cuts the testimony even the COA,” sinabi ng pangulo kay Gordon.
“Anong klaseng tao eto? And he talks and talks and talks. He cannot help but open his mouth. He is a pathological storyteller,” ayon pa kay Duterte.
Ang isang despot ay isang tao na maraming kapangyarihan ngunit ginagamit ng patas.
Pinagtawanan din ni Duterte ang pag-iingles ni Gordon.
“Pa English-English, yung English mo hindi naman naiintindihan ng lahat. Kung mag-English ka, Filipino-English wag yung English na slurred. It’s slurred, para kang lasing," ani Duterte.
Sinabi ng punong ehekutibo na sangkot umano si Gordon sa katiwalian sa pamamagitan ng Philippine Red Cross (PRC).
“Hindi mo ko matakot, not in a million years, hindi ako kawatan kagaya mo."
“Wala akong Red Cross na ginagatasan araw-araw. It’s not my style. I worked 40 years ago sa gobyerno, magnakaw pa ako ngayon lang? G*g* ka ba? Eh di noon pa. Ikaw, mayroon kang naka-parking dyan. Pinarking mo yung milking cow mo,” ani Duterte.
Nais din ni Suterte na i-audit ang PRC dahil nagsasaya umano ito sa pondo na mula sa gobyerno. Ang PRC ay isang private entity.“Ako galit talaga ako sayo Gordon, sa totoo lang. Alam mo bakit? Kilala mo ako all these years. Hindi mo ako nakita nagbabastos na tao. Nakita naman ninyo the way I behave. I defer to you na senador,"
“Pero pag nawala ang respeto ko sa tao, anak ka ng p*t*ng*n* bantay ka, bababuyin talaga kita hanggang mamatay ka. O hanggang harapin mo ako tapos papiliin kita kung ano ang gusto mo," pagpapatuloy ng pangulo.
Ellson Quismoro