Pinutol ng magkasintahan na sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad o mas kilala bilang "Jamill" ang ilang linggong pananahimik nito sa social media.

Inaasahan na maglalabas ang Jamill ng kanilang comeback vlog ngayon araw, Setyembre 15.

Kahapon, pinasilip nila ang netizens sa kanilang gaganapin na comeback matapos mag-story ang couple ng vlog cam.

Ipinakita ni Camille sa kanyang story ang larawan ni Jayzam habang nag-eedit ng isang video.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

“Bukas na abangan!!!,” caption nito.

Larawan: screenshot mula sa story ni Camille

“Bukas may upload tayo. Abangan nyo ito.”

Samantala, hindi naman binanggit ng dalawa kung saan nila ia-upload ang bago nilang vlog.

Larawan: screenshot mula sa story ni Camille

Matatandaang kamakailan lamang, ginulat nila ang netizens matapos ibalita na binura na nila ang kanilang official YouTube channel.

Basahin: Komisyong 100k, makukuha mo kapag mabenta mo ang Jamill mansion

“Yes deleted na po ang channel. Di naman natin ma-pplease lahat ng tao na sabihing pa issue lang ito or what. Its about our relationship, mas pinili namin mas maging okay ang relationship namin. I hope na irespeto nalang Thankyou,” pagkukumpirma ni Camille.

Stephanie Bernardino