Aprubado ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ang pagbuo ng “Task Force on Oxygen Supply.”

Ito ang ibinalita ni Presidential Spokesperson Harry Roque nitong Biyernes, Setyembre 10 sa ginanap na virtual press briefing.

Ayon kay Roque, ang Department of Trade and Industry (DTI) ang mangunguna bilang task force lead katuwang ang Department of Health (DOH).

Sa ilalim ng IATF Resolution No. 138 Series of 2021 na inaprubahan nitong Huwebes, Setyembre 9, pormal na itatatag ang task force.

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

Ang Task Force on Oxygen Supply ang magdidisenyo at magpapatupad ng mga polisiya kaugnay ng suplay ng oxygen sa bansa.

Sa paglobo ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19), sumipa rin ang demand ng oxygen hindi lang sa medical sector, maging sa general public.

Kabilang sa ilang miyembro ng task force ang DEpartment of the Interior and Local Government (DILG), Department of Energy (DOE), Philippine Ports Authority (PPA), Bureau of Customs (BOC), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at ang ang local government units (LGUs).

Ang pagkakatatag ng task force ay alinsunod sa rekomendasyon ng IATF technical working group.

Ellson Quismorio