Katarungan ang sigaw ng pamilya ng isang babaeng street sweeper na binawian ng buhay nang mabangga ng isang van habang nagwawalis sa Malabon City, nitong Huwebes ng madaling araw.

Panawagan ng mga kaanak niErmida Batula 52, nakatalaga sa City EnvironmentNatural Resources Office (CENRO) ng Malabon City Hall, sa mga awtoridad na tukuyin at kasuhan ang driver ng puting van na sangkot sa insidente.

Sa ulat ng Malabon City Police, abala sa pagwawalis sa GovernorPascual Avenue, Barangay Potrero si Batula dakong 5:00 ng madaling araw nang bigla itong mabangga ng van.

Sa halip na na hintuan at isugod sa ospital si Batula ay kaagad na tumakas ang driver.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Dead on the spot si Batula sanhi ng matinding pinsala sa ulo at iba't ibang bahagi ng katawan.

Nangako naman ang pulisya na gagawin nila ang lahat ng paraan, kabilang na ang pag-iimbestiga sa mga closed-circuit television (CCTV) camera sa lugar upang matunton ang responsable sa aksidente.

Orly Barcala