Habang papalapit na ang coronation night ng Miss Universe Philippines (MUP) sa katapusan ng Setyembre, kanya-kanya na ring pick ang sambayanan kung sino sa natitirang 50 candidates ang dapat na itanghal bilang bagong titleholder.

Isa sa mga matunog na kandidata ngayon ang pageant fan mula San Juan City na una nang nakilala bilang content creator sa Tiktok, si Rousanne Marie Bernos.

Mas kilalang “Ayn” sa mundo ng social media, hinahangaan ngayon ang morena beauty sa kanyang inspirational journey sa MUP.

Ang 26-stunner ay patuloy na umaani ng suporta sa kabila ng mga komentong binabato ng ilang netizens kabilang na ang ilusyon umano ni Bernos na pasukin ang mundo ng pageantry.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Matapos isapubliko ang headshot challenge noong Hulyo, aminado na ang San Juan delegate na hindi siya ang tipikal na beauty queen sa pamantayan ng nakararami.

“I know I am not the typical candidate, but that’s exactly why we will keep going. Beauty and purpose come in all colors, shapes, and sizes, and this year we get to show that on this@themissuniversephjourney,” pagbabahagi ni Ayn sa kanyang Facebook post.

Sa kabila nito, determinado ang kandidata na tuparin ang childhood dream niyang maging isang beauty queen.

Nang makatuntong sa Top 75 siAyn, di pa rin natapos ang tirada ng ilang netizens kung saan patuloy na naging tampulan ng unsolicited comments ang ilang public post ni Ayn.

Hindi nga naman kontrolado ang mga ganitong pagkakataon online.

Sa halip na panghinaan ng loob, naglabas ng pahayag ang kandidata kung saan tumindig ito, at tumangging diktahan ng pamantayan ng lipunan ang pangarap na maging kinatawan ng maraming Pilipina sa entablado ng Miss Universe.

Pahayag ni Ayn Bernos mula sa kanyang Faceboook

Samantala, patuloy na umarangkada ang Miss Universe journey ni Ayn kung saan hinahangaan ng marami ang pagbuwag ng kandidata sa ilang pamantayan sa mundo ng pageantry.

Nitong Lunes, Agosto 30, nagbalik-tanaw si Ayn sa kanyang kabataan kung saan ibinunyag niyang isa lang siyang regular na estudyante.

“Whenever I’d get my report card, I would feel dumb. I had friends who’d get 90-something grades, while I was playing dangerously in the border between 80 and 70-something. Relatively, again, I believed I wasn’t smart,” pagbabahagi ni Ayn.

“But that’s the beauty of exploring beyond our comfort zone. We get to meet more versions of ourselves. We get to revisit old perspectives and realize we might have been wrong. We get to peek into our future and be surprised that maybe, just maybe, we could be more,” dagdag niya.

Sa panayam ng Preview nitong Agosto 28, masaya rin na ibinahagi ni Ayn ang ilan sa kanyang mga preparasyon, pagbabago at mga natutunan, higit isang buwan sa Miss Universe pageant.

“I hear opinions about my face, my walk, my body every single day. It’s a lot of work to overcome that but I can only come out of this stronger, there’s no other option for me.”

PANUORIN: Panayam ng Preview Magazine kay Ayn Bernos