Mukhang hindi pa rin natatapos ang isyu sa pagitan ng hiwalayang Gerald Anderson at Bea Alonzo kahit na may sari-sarili na silang love life at iba na rin ang tinatahak ng kani-kanilang mga showbiz career.

Nagsimula na namang umingay at umusok ang ningas hinggil sa isyu ng kanilang hiwalayan, nang sinabi ni Gerald sa panayam kay Boy Abunda, na sana umano ay mapatawad na siya ni Bea Alonzo sa mga nangyari sa kanila.

OMG! Did Gerald Anderson just admit to mistakes? – Manila Bulletin
Larawan mula sa Manila Bulletin

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Agad namang nag-react dito ang kaibigan ni Bea na si Janus Del Prado, na naging sunod-sunod na rin ang patutsada sa kaniyang social media accounts. Naungkat pa nito ang isyu tungkol sa 'kalokohan' umano nina "G" at "P" sa set ng pelikulang "MPY" na isa umano sa mga dahilan kung bakit nasira ang relasyon nina "G" at "B."

Sa panibagong panayam kay Bea ni Noel Ferrer hinggil sa mga isyung ito, nagtataka umano siya kung bakit hindi pa rin ito natatapos. Nauunawaan naman umano niya kung bakit ganoon na lamang ang pagtatanggol sa kaniya ng mga kaibigan, partikular na si Janus, na ilang beses na rin niyang nakatrabaho at nakasama sa pelikula, tulad ng "One More Chance," A Second Chance," at "Four Sisters and A Wedding" sa Star Cinema.

Larawan mula sa Manila Bulletin

Iba na umano ang antas ng kanilang pagkakaibigan dahil halos sabay silang lumaki sa industriya ng showbiz, lalo na't matagal na naging Kapamilya si Bea. Alam umano niyang nasasaktan ang mga ito sa tuwing nakakarinig ng mga isyung may kaugnayan sa kaniya.

At tila naging makahulugan ang pahayag ni Bea hinggil sa "paghingi ng tawad."

“Ang plastik ko naman kapag sinabi kong napatawad ko na siya. It’s not about asking for forgiveness, it’s taking accountability and being responsible for your actions,” makahulugang pahayag ni Bea.