Ganap nang Kapuso ang dating Kapamilya aktor, host at director na si Xian Lim!

Makakatambal niya sa kaniyang unang proyekto bilang Kapuso ang mahusay na aktres na si Jennylyn Mercado, sa isang romantic comedy o rom-com na teleserye. May pamagat itong "Love, Die, Repeat." Bukod kay Jennylyn, makakasama niya rito sina Mike Tan at Kim Domingo.

Xian Lim – Manila Bulletin
Larawan mula sa Manila Bulletin

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Jennylyn Mercado: 'Stop victim blaming' – Manila Bulletin
Larawan mula sa Manila Bulletin

Ayon sa ulat ng 24 Oras, masayang-masaya umano si Xian sa panibagong pagkakataong ito na makapagtrabaho sa Kapuso Network.

"I feel really happy and very excited na nandito ako, you interviewing me, I'm really grateful sa lahat ng nangyayari," sabi ni Xian.

Looking forward umano siya na makatrabaho si Jen.

"I watched her film with John Lloyd, and I instantly became a fan dahil aside from magaling siya, I don't know… There is just something about Jennylyn na parang, wow, ang galing naman, ang galing naman nitong taong ito. You can tell that she is very passionate with what she is doing," paliwanag niya.

Maganda naman umano ang vibes sa production team gayundin ang direktor nilang si Irene Villamor. Nagustuhan umano ni Xian ang script ng kanilang teleserye.

"Kakaiba 'yung kuwento. I would say na this would be the first attempt for this genre to be in a teleserye. In terms of my character, it is also, para sa viewers natin, para sa mga Kapuso natin. And of course to all the fans and supporters watching. I would say it's something different na maibibigay ko sa table this time around," anang aktor.

Ayos lamang din kay Xian kung bibigyan siya ng hosting o directing job ng Kapuso Network.

Ang huling proyekto ni Xian sa Kapamilya Network ay ang daytime teleseryeng "Love Thy Woman" na umere mula Pebrero 10 hanggang Setyembre 11, 2020 kasama sina Kim Chiu at Yam Concepcion. Nasa Kapuso Network na rin ang isa sa mga kasamahan niya roon na batikang aktor na si Christopher De Leon.

Ayon kay Xian, aprub naman kay Kim Chiu ang kaniyang paglipat sa Kapuso Network. Si Kim ang girlfriend ni Xian, na nasa Kapamilya Network naman.