Hindi umano pinipigilan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Commission on Audit (COA) na gampanan nito ang mandatong kilatisin ang mga ahensya ng gobyerno sa paggasta ng kanilang pondo.

Ito ang reaksyon ni Justice Secretary Menardo Guevarra nitong Biyernes, Agosto 20 matapos punahin niDuterte ang COA dahil sa pagsita sa₱67.3 bilyong “deficiencies” ng Department of Health (DOH).

Tungkulin aniya ng COA na mag-ulat o pansinin ang proseso ng paggastos ng mga ahensya ng kanilang pondo, katulad ng pagbili ng ilang kagamitan o sebisyo.

Dagdag ng Justice chief, nasa bahagi pa rin ng ibang ahensya ng gobyerno ang matukoy kung ang mga nasabing deficiencies aypaglabag ng batas.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Tiniyak naman ni Guevarra na ginagawa lahat ng ahensya ng gobyerno na makasunod sa mga auditing rules and regulations kahit madalas ay kailangan ang mahirap na proseso sa pangangalap at pagsusumite ng mga dokumento sa bawat transaksyon.

“I understand that the COA recognizes this constraint and has expressed willingness to review and simplify its requirements, without sacrificing safeguards to promote efficiency, transparency, and accountability in government service,” dagdag pa ni Guevarra.

Jeffrey Damicog